Pinamunuan ni Rev. Fr. Joeffrey Brian Catuiran ang pagtatalaga sa
pamunuan ng Fiesta Committee 2013 noong nakaraang Sept. 2012. Pinakilala
sa buong pamayanan ng Parokya ng San Guillermo sina Chair Couple Bro.
Rey and Lucy Santos, kasama ang buong Komite Heads ng iba’t ibang
activities para sa darating na Fiesta 2013 at ang buong pamunuan ng
Fiesta Committee.
1. BIGKISAN NIGHT – a night of dinner and dance party. Ito ay gaganapin sa ika-26 ng Enero, 2013, sa bakuran ng Buting Elementary School, sa pamumuno nina Sherwin at Pinky Llorador. Ito ang pinakapangunahing gawaing fund raising para sa correct construction ng simbahan.
2. IWASIWAS FESTIVIAL – street dancing competition. Ito ay pinamumunuan nina Chito at Cris Angeo, nilalahukan ng iba’t ibang kasapi ng organisasyong pang-simbahan at samahang sibiko. Ito ay ginaganap malapit sa araw ng kapistahan, at sa taong ito, ngayong ika – 9 ng Pebrero,2013.
3. ARKO MAKING CONTEST- Nakaugaliang tradisyon na din ng mga taga-parokya ang sama-samang paggawa at pagbuo ng naggagandahang arko, ang pagtutulungan ng bawat taga-kawan ay alay sa Mahal na Poong San Guillermo at Mahal na Birheng Maria. Ito ay sa pamumuno ni Bro. Ronnie San Pedro.
4. SEARCH FOR PRINSESA AT PRINSIPE NG SAN GUILLERMO- Ito ay nilahukan ng mga piling kabataang lalaki at babae sa bawat kawan ng parokya na may gulang na 18-22. Ang couple na namumuno dito ay sina Edgar at Precy Arellano, katuwang ang Parish Youth Ministry. Ang gabi ng koronasyon ay gaganapin sa ika – 2 ng Pebrero, sa Buting Elementary School. At noong ika-20 ng Enero, ang mga kandidata ay sumailalim sa Kristo . Net, Batch 6.
5. Ika 2 ng Pebrero – sa pangunguna ni Most Reverend Bishop Mylo Vergara, gaganapin ang kumpilang pamparokya ng mga bata may gulang labing dalawa pataas.
6. Sa Ika – 3 ng Pebrero –gaganapin naman ang binyagang bayan.
Bago dumating ang araw ng kapistahan, may magaganap na siyam na araw na pagnonobena at tatampukan naman ng Misa pagkatapos nito. Ang tema ng kapistahan para sa taong ito ay “ISANG SAMBAYANANG NAGSASABUHAY AT NAGBABAHAGINAN PARA KAY KRISTO.”
By: Joezel Polintan at Mina Marbella-Anore
log: parish news

Comments