PASIG CITY - “Sinisiraan tayo ng ibang relihiyon! Tayo...Sino sinisiraan natin? Sinisiraan natin ang ating kapwa Katoliko, ang Parish Priest natin ...,” ang nakagugulat pero makatotohanang pahayag ni Rev. Fr. Ramil Marcos sa simula ng kanyang panayam na dinaluhan ng mga kumakatawan sa iba’t ibang parokya na nagmula sa apat na Bikaryato ng Diyosesis ng Pasig.
Naglunsad ng isang kumperensya sa Ekumenismo ang Ministry on Ecumenical and Inter-Faith Affairs (MEIFA) sa pangunguna ni Rev. Fr. Daniel Estacio, Kura Paroko ng Parokya ng St. Joseph, Bicutan, Taguig noong ika-2 ng Pebrero, 2013 sa ikatlong palapag sa gusali ng John Paul II, Pasig City. Ang tema ay “Pagkakaisa ng mga Kristiyano: Mithiin ng Simbahang Katoliko”.
Ayon kay Fr. Ramil Marcos, ang pangunahing tagapagsalita, “Ang ginagawa po natin ay pagtupad sa kahilingan ng Obispo (Mylo Vergara) upang maunawaan natin ang pagkakaisa at kapayapaan sa iba’t ibang samahang Kristiyano.”
Ipinaliwanag niya na ang Inter-religious dialogue ay tumutukoy sa pakikipag-ugnayan sa ibang relihiyon samantalang ang Ecumenical dialogue naman ay tumutukoy sa ugnayan ng mga Kristiyano. Nagsimula ang interes sa pakikipag-ugnayan sa ibang relihiyon noong ika-11 ng Setyembre, 2001 nang maganap ang nakalulunos na pag-atake sa “Twin Towers” ng Amerika.
Ang pagkakaisa ng mga Kristiyano ay kailangan upang magampanan natin ang misyon ng ating simbahan. Ang pagkakaisa ay bahagi ng pagiging isang simbahan at ito’y kailangan upang maiwasan ang pagkakahati-hati sa lipunan. Ang mahalagang tanong ay, “Tayo ba ay kapani-paniwala sa mundo?” ani Fr. Ramil.
Ayon sa kasaysayan, ang Ecumenical Movements sa bansang Pilipinas ay sinimulan ng mga Protestante noong taong 1910 at sa kasalukuyan ang World Council of Churches ay isandaan at labin-tatlong (113) taon na.
Nagkaroon naman ng kombersyon ang Roma nang ang Martalium Animos, sulat ng Papa na nagbabawal sa mga Katoliko na makipag-ugnayan sa ibang relihiyon sapagkat ito raw ay mapanganib sa kadahilanang ang Katoliko raw ay madaling mahikayat sa ibang relihiyon ay baguhin ng sulat ni Sto. Papa Juan Paolo II. Ang UT UNUM SINT na nag-uutos na ang Katoliko ay dapat na makipag-isa sa iba’t ibang Kristiyano o relihiyon.
Ipinakilala rin ni Fr. Ramil ang National Council of Churches of the Phillipines na binubuo ng mga kasaping Protestanteng Simbahan tulad ng Christ Centered Church (CCC), Convention of Philippine Baptist Churches, Iglesia Evangelica Metodista En Las Islas Filipinas (IEMELIF), Iglesia Unida Ecumenical, United Church of Christ in the Philippines (UCCP) at ang Salvation Army. May mga kasapi rin sila na direktang nagmula sa Simbahang Katoliko at ito’y ang mga sumusunod: Lutheran Church in the Philippines, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at ang Apostolic Catholic Church (ACC).
Nagbanggit si Fr. Ramil ng mga gawain na puwedeng magsama-sama ang iba-ibang Kristiyano o Orthodox tulad ng: The Dialogue of Prayer, The dialogue of Life, The dialogue of action and the Theological dialogue.
Ang teolohiya ng Ekumenismo ay tumatalakay sa lalong mas malalim na kahulugan ng pagkakaisa o komunyon.
Ang nagsilbing batayan upang sukatin ang kahalagahan ng mga programang pang Ekumenismo ay ang mga sumusunod: The 2nd Plenary Council of the Philippines (PCPII, 1991), The National Pastoral Consultaition on Church Renewal (NPCCR, 2001), Ecumenical Formation, Spirituality and Practical Ecumenism.
log: headline news

Comments