Mga Minamahal na Kapatid Kay Kristo,
Kapayapaan mula Kay Hesus, Prinsipe ng Kapayapaan!
Muling nalalanghap ang simoy ng Pasko sa ating paligid. Anuman ang nangyari sa buong taon, patuloy ang pananabik ng bawat Kristiyano sa natatanging panahong ito. Tunay na walang kupas at laging masigla ang diwang Pasko sa puso nating lahat.
Ngayong taon, may kahalong malaking pagsubok sa ating pagdiriwang ng Pasko. Ang pagsilang ng Panginoon Hesukristo ay pinangunahan ng mga kaganapang nakabibigla, nakalulungkot at nakababagbag-damdamin.
Sino ang hindi apektado sa mga larawan ng pagkawasak dulot ng lindol at mga larawan ng kawalan na dulot ng bagyong Yolanda sa ating mga kapatid? Paano na nga ba ang ating pagdiriwang ng Pasko ngayon?
Bilang mga Kristiyano, bilang mga Katoliko, dito umuusbong ang tunay na diwa ng kapistahan natin. Dito natin mas malinaw na mapapansin ang mensaheng ibinubunyag ng Kapaskuhan.
Ang Diyos mismo ay nakiisa sa kanyang nilikha. Ang Diyos ay sadyang naghubad ng kanyang karangyaan upang danasin ang kapighatian nating kanyang minamahal. Ang Diyos, kay Hesus, ay nagkatawang-tao at nakipamuhay sa bawat nilalang na naghahanap ng pag-ibig at pagkalinga. “Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin…” (Juan 1:14). Naparito siya upang magbigay ng galak.
Ang mensaheng ito ang mag-aakay sa atin sa simple ngunit makabuluhan, sa tahimik ngunit maligayang Pasko para sa lahat. Tayo ay magdiriwang pa rin sa gitna ng pagsubok. At ang ating pagdiriwang ay lalahukan natin ng ibayong awa at pag-ibig sa ating mga nasalantang kababayan. Gagawin nating matingkad ang ating pakikipag-kapatiran sa ating kapwa. Dadamahin natin ang ligaya ng pagbibigay na sisira sa pagkamaka-sarili. Paano man tayo magpasya na magdiwang na may puso para sa iba, sigurado tayong ang Espiritu Santo mismo ang gumagabay sa atin.
Kaysarap ng Paskong malapit sa tunay na pangyayari sa sabsaban sa Belen. Kasama ni Maria at Jose, halina at ihandog ang ating puso sa Sanggol na bukal ng pag-asa, pagbabago at pagbangon ng bawat isa, ng Simbahan at ng bayan.
Ngayon pa lang, sa paghahanda natin sa maluwalhating pagdating ng Panginoon sa ating mga puso, lalo na sa mga kababayan nating nasalanta ng mga matitinding kalamidad na dumaan sa ating bansa ngayong taong ito, at para bang naranasan ang matigas na sabsabang pinagsilanagn ng ating Mesias, binabati ko na kayo ng Mapagpalang Pasko at Mapayapang Bagong Taon,
Mahal ko po kayong lahat
+Mylo Hubert C. Vergara
Obispo ng Pasig

Comments