PASIG CITY, 21 AGOSTO 2016 – “Teenager na po ang diyosesis,” pahayag ng Obispo ng Pasig Mylo Hubert Vergara, D.D. sa misa pasasalamat para sa ika-13 anibersaryo ng pagkakatatag ng Diyosesis ng Pasig.
Binaliktanaw ng Obispo ang panahon nang bahagi pa ang Pasig, Pateros, at Taguig ng Arkidiyosesis ng Maynila hanggang sa naging diyosesis ito noong ika-21 ng Agosto, 2003.
Binase niya ang kanyang pahayag sa mga pagbasa sa Linggong ito.
“Dumaan sa makipot na pintuan. Hindi ito madaling daanan. Isinabuhay ni Hesus ang misteryo Paskual ng kanyang paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay. Tularan natin si Kristo sa misteryo Paskual,” paanyaya ng Obispo, “at ang uuwian natin ang ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo kasama ang Mahal na Birheng Maria at mga banal.”
“Ang Diyosesis ay naglalakbay din. Mula sa pamumuno ng yumaong si Bishop San Diego, dumaan din ito sa maraming pagsubok sa buhay ng diyosesis tulad ng pagtatatag ng curia’t ang pamamastol sa mga pari’t mga naglilingkod sa ubasan ng Panginoon.”
Inanyayahan ni Bishop Mylo ang lahat sa Diyosesis ng Pasig na pagsumikapang pumasok sa makipot na pintuan.
“Marami hamon ang kinahaharapan ng diyosesis tulad ng pagpapawa ng kisame ng katedral. Mayroon pa tayong retirement home at pastoral center na ginagawa sa Sta. Clara de Montefalco Parish. Kailangan tayong magsumikap. Hindi ito magagawa ng inyong Obispo lamang,” paalala ni Bishop Mylo.
Pinaalalahanan din tayo ng mahal na Obispo na tupdin ng lahat ang nais ng Panginoon. “Gawin natin ang gusto Niya. Ipagpatuloy natin ang pagsasabuhay Kristiyano at pagkakaisa. Tandaan ang motto, ‘Ut unum sint.’ (“That they may be one.”) Mararating din natin ang buhay na walang hanggan.”
Samantala, ang Edades Family ang tinanghal ng Parokya ng Immaculate Conception Cathedral bilang natatanging pamilya ng Parokya para sa pagdiriwang ng Natatanging Taon ng Habag, Eukaristiya at Pamilya.
Ang Edades Family na kinabubuuan ng mag-asawang Bert at Josefina ay 31 taon nang kasal. Sila’y may mga limang anak: Thea, Migs, Paulo, Gelo, at Leah. Si Bert ay kasalukuyang ikalawang Pangulo ng ICC Music Ministry at ang buong pamilya’y aktibong lumalahok sa Simbahan bilang miyembro ng koro. Fr. Lito Jopson, PDMSC, lawaran ni Conrad Alvez, PDMSC

Comments