Ang Relikya nina San Luis At Sta. Zelie Martin, mga magulang ni Sta. Teresita ng Batang si Hesus, bibisita sa Diyosesis ng Pasig

PASIG CITY - Handa na ang Diyosesis ng Pasig sa kauna-unahang pagbisita ng mga relikya ng mag-asawang sina San Luis at Sta. Zelie Martin, mga magulang ni Sta. Teresita ng Batang si Hesus nitong Pebrero 3 - 4, 2017, sa Katedral ng Imakulada Concepcion sa Pasig City.

Nagsimula ang pagbisita ng relikya sa sa Pilipinas noong ika-2 ng Enero sa Kapistahan ng Kaawaran ng Sta. Teresita.  Ang Military Ordinariate ng Pilipinas sa pamumuno ni Obispo Leopoldo Tumulak ang punong tagapangalaga ng makasayasayang pagbisita ng banal na relikya.

Darating ang relikya sa Diyosesis ng Pasig nitong ika-3 ng Pebrero simula ika-9 ng umaga.  Magkakaroon ng Misang Pagbati na pangungunahan ng ating Chancellor Fr. Mariano Baranda.

Nakatakdang bumisita ang relikya sa Diyosesis ng Parañaque pagkatapos ng Misang Pamamaalam ng ika-4 ng Pebrero, ika-6 ng umaga sa Katedral ng Pasig.

Narito ang munting Katesismo ukol sa pagbisita ng relikya nina San. Luis at Sta. Zelie Martin.


1. Bakit narito ang kanilang relikya?


 Kaloob ang paghandaan ang mga relikya ng mag-asawang Luis at Zelie Martin ng mga taga-Irlandia para sa kanilang beatipikasyon noong 2008.

Sa kapanahunan ng pagbubukas ng Santo Papa Francisco ang Synodo ng Obispo tungkol sa pamilya at sa pagtatapos nito, nakanonisa ni Papa Francisco ang banal na mag-asawa noong ika-18 ng Oktubre 2015.

Ang pagbisita ng mga banal na relikya ay upang gunitain at pasalamatan ang kahanga-hangang ginawa ng Panginoon para sa pamilya na pinamalas ng dakilang mag-asawang banal.

2. Ano ang katangi-tangi sa kanila?

Bukod na ang kanilang anak na si Sta. Teresita ay naging santa noong 1928, sila rin ang kauna-unang mag-asawa na sabay na naging santo at santa upang magbigay ng mensahe para sa mga mag-anak sa kapanahunang ito.

Nagpalabas si Papa Francisco ng isang Pangaral matapos ang sinodo na may pamagat na Amoris Laetitia (Kagalakan ng Pag-ibig) na binibigyang-buhay at halimbawa ng mag-asawang Luis at Zelie Martin sa kanilang buhay mag-asawa at pamilya.  Kaya naman ang tema ng pagdalaw ng kanilang relikya ay: “Sharing the joy of love in the Filipino Family” (Pagbabahagi ng kagalakan ng pag-ibig sa pamilyang Pilipino).

3. Anong relikya ang darating sa Pilipinas?

Ayon kay Sto. Tomas Aquino sa Summa Theologica:  “Ang mga relikya ay may direktang kauganayan sa mga banal, kay Kristo at sa Diyos.  Ang mga banal nga kung gayon ang direktang pakay ng pagpaparangal, kung saan ang kanilang mga relikya ay kanilang mga nahihipong tanda.  Ang pamimintuho sa mga relikya ay ayon sa tatlong prinsipyong itinakda ng Konsilyo ng Trento: ang katawan
ng mga banal ay templo ng Banal na Espiritu, mga miyembro ng Katawan ni Kristo, at nakatakda para sa muling pagkabuhay ng katawan sa wakas ng panahon.”

Ang  relikyang bumibisita sa mga diyosesis at sa mga tampok na pook ng Military Ordinariate of the Philippines na siyang nangangalaga sa mga ito ay yaong mismong mga labi ng mag-asawa.  Matapos linisin ang maidokumento ang mga ito, inilipat ito sa relikuwaryo na kaloob ng mga mamamayan ng Irlandiya sa okasyon ng beatipikasyon.  Ito ay iniingatan sa Kripta ng Basilica ni Sta. Teresita sa Liseux kung saan ang relikyang ito ay maaaring pamintuhan.

4. Ano ang schedule ng mga mangayayari sa pagbisita nito sa Diyosesis ng Pasig?

10:00 AM   – Arrival of the relics of Sts. Louis and Zelie Martin

12:15 noon – Misang pangungunahan ni Fr. Mar Baranda, Chancellor ng Diyosesis ng Pasig

1:00 PM     – pagtatanod ICC PPC Execom, ICC Divine Mercy Apostolate; Mga Parokya ng Sto. Niño de Pasig, St. Lucia, Sto. Rosario de Pasig

1:30  PM    – pagtatanod ng ICC Apostolado ng Pananlangin at Cultural Affairs

2:00 PM     – Funeral Mass

3:30 PM     – mga Parokya ng Holy Family, San Guillermo, Sto. Tomas de Villanueva, Immaculate Conception; ICC MBG, League of Eucharistic Guardians

4:00 PM    – mga Parokya ng San Agustin, San Antonio Abad, San Sebastian, Sta. Clara de Montefalco; ICC Music Ministry, Association of St. John Maria Vianney, Ministry of Greeters and Collectors

4:30 PM    – mga Parokya ng Ina ng mga Dukha, Maria, Reyna ng mga Apostoles, St. Joseph, Our Lady of the Holy Rosary, St. Michael Chaplaincy; ICC St. Pio Pasig Devotees, La Pieta, CWL, Soup Kitchen, Deaf Community

5:00 PM   – Misa

6:30 PM   - Misa

8:00 PM  – mga Parokya ng Sta. Marta, Sta. Rosa de Lima, St. Jude Thaddeus; ICC Ina ng Poong Bato, Legion of Mary, Extraordinary Ministers of Holy Communion, Our Lady of Fatima Cenacle

9:00 PM  – Mga Parokya ng Sagrada Familia, Our Mother of Perpetual Help Quasi, San Vicente Ferrer, St. Kin Dae Gun Personal; ICC Media Ministry, Flock of the Holy Spirit, God’s Vineyard, PREX

9:30 PM   – mga Parokya ng Sta. Lucia, Sto. Rosario de Pasig; ICC Knights of Columbus, Holy Name Society, Couples for Christ, Marriage Encounter

10:00 PM – ICC Ministry of Altar Servers, Chiro, YOCASOCI, Singles and Youth for Christ, El Shaddai

11:00 PM  – mga Pamayanan ng Kapasigan at Bambang

12:00 AM  – Pamayayana ng San Jose

1:00 AM   – Pamayanan ng San Nicolas

2:00 AM   – mga Pamayanan ng Sumilang, Sta. Rosa, at Bagong Katipunan

3:00 AM   – Pamayanan ng Sta. Cruz

4:00 AM   – Pamayanan ng Malinao at Kapitbayan; lahat ng parokya sa Bikaryato ng St. Anne

5:00 AM   – Misa

6:00 AM   – Misa-Pamamaalam


5. Ano ang maaari nating matutunan sa buhay ng banal na mag-asawang Martin?

Una, ang pagtupad sa kalooban ng Diyos

Masisilayan ito kay San Luis nang ipinahayag niyang nais niyang paglingkuran ang Panginoon sa pagpasok niya sa Great Saint Bernard Hospice sa Alps.  Bagamat hindi natuloy ang kanyang plano na maging pari, umuwi siya sa kanyang tahanan sa Alencon upang paglingkuran ang kanyang mga magulang.  Dito nakilala niya si Santa Zelie na galing din sa matibay ng Kristiyanong pamilya.

Ikalawa, ang pagpapalaki ng mga anak para sa langit

“When we had our children, our ideas changed somewhat.  We lived only for them.  They were all our happiness and we never found any except in them.  In short, nothing was too difficult, and the world was no longer a burden for us.  For me, our children were a great compensation, so I wanted to have a lot of them in order to raise them for Heaven.” (Letter of Zelie Martin no. 192)

Ikatlo, ang pag-alaga sa mga maysakit at mamamatay na mga bata at iba pang miyembro ng pamilya

“When i closed the eyes of my dear little children and when i buried them, I felt great pain, but it was always with resignation.  I did not regret the sorrows and the problems I had endured for them.  Several people said to me, ‘It would be better to never have had them. “ I cannot bear that kind of talk. I do not think the sorrows and problems could be weighed against the eternal happiness of my children.  So they were not lost forever.  Life is short and full of misery.  We will see them again in Heaven.  Above all, it was on the death of my first child that I felt more deeply the happiness of having a child in Heaven, for God showed me in a noticeable way that He accepted my sacrifice.  Through the intercession of my little angel, I received a very extraordinary grace." (FR. LITO JOPSON / PASIG MEDIA)
(Letter of Zelie Martin, no. 72)

Comments