(Inilalathala ng Diyosesis ng Pasig ang Banal na Oras sa itinakdang Araw ng
Pananalangin at Pag-aayuno:
March 20, 27, April 3, para sa ikahuhupa ng Salot na Covid 19)
Pambungad na Awit
O salutaris Hostia
Que caeli pandis ostium
Bella premunt hostilia
Da robur fer auxilium
Uni trinoque Domino
Sit sempiterna Gloria
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria
Itatanghal ng punong tagapagdiwang ang banal na sakramento sa
altar.
Pag-iinsenso
Punong
tagapagdiwang:
Papuri sa Diyos Ama, hari
ng sangkalupaan,
Gayundin sa Espiritu
Santo karapat-dapat sa lahat ng papuri
Bayan: Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Punong
tagapagdiwang:
Papuri sa bugtong na
anak, ipinanganak ng Birheng Mahal para sa kaligtasan ng lahat
Bayan: Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Punong
tagapagdiwang:
Papuri sa Espiritung
Banal, gabay ng simbahan tungo sa kaganapan ng katotohanan.
Bayan: Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Punong
tagapagdiwang:
Mga kapatid, natitipon tayo
ngayon upang ipahayag ang ating pagtitika at pagsusumamo sa Panginoon na
wakasan na ang salot na dulot ng COVID Bagaman tayo ay malimit tumalikod sa
pagmamahal ng Panginoon, hindi niya tayo pinababayaan. Muli’t muli niyang
iniaalok sa atin ang kanyang tipan at ang kanyang walang hanggang pag-ibig.
Dumulog tayo ngayon at buong pusong hilingin ang kanyang pagbabasbas sa ating
pamayanan at sa buong mundo, at upang magwakas na ang salot na ating
kinakaharap.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Ama naming
Makapangyarihan,
lakas ka ng mga
walang inaasahan kundi ikaw.
Ang pagluhog
namin ay iyong pagbigyan,
sapagkat kami’y
mga tao lamang
na pawang
mahihina kapag iyong iniwanan.
Kaya naman
kami’y iyong laging tulungan
upang sa
pagtupad sa iyong mga kautusan,
ikaw ay aming
mabigyang kasiyahan
sa aming iniisip
at ginagawa araw-araw.
Sa pamamagitan
si Hesukristo,
kasama ng
Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.
(magsisiupo ang lahat)
UNANG PAGBASA
Magsisi kayo ng taos sa puso at hindi pakitang-tao lamang
Pagbasa mula sa
aklat ni Propeta Joel (2:12-18)
Sinasabi ngayon
ng Panginoon: “Mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo’y
mag-ayuno, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo ng taos sa puso, hindi
pakitang tao lamang. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos. Siya’y
may magandang-loob at puspos ng awa, mapahinuhod at tapat sa kanyang pangako;
laging handang magpatawad at hindi mapagparusa. Maaaring lingapin kayo ng
Panginoon at bigyan ng masaganang ani. Kung magkagayon, mahahandugan natin siya
ng haing butil at alak. Ang trumpeta ay hipan ninyo, sa ibabaw ng Bundok ng
Sion; iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat, tawagin ninyo ang mga tao para sa
isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo lahat, matatanda’t bata, pati mga
sanggol at maging ang mga bagong kasal. Mga saserdote, kayo’y tumayo sa pagitan
ng pasukan at ng dambana, manangis kayo’t manalangin nang ganito: “mahabag ka
sa iyong bayan, O Panginoon. Huwag mong tulutang kami’y hamaki’t pagtawanan ng
ibang mga bansa at tanungin, Nasaan ang iyong Diyos?”
Pagkaraan,
ipinamalas ng Panginoon na siya’y nagmamalasakit sa kanyang bayan.
Ang Salita ng
Diyos
Lahat: Salamat sa Diyos
(Sandaling Katahimikan at pagninilay)
SALMONG TUGUNAN
Tugon: Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa ‘yoy
nagsisuway
Akoy kaawaan O
mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob, ang mga kasalanan ko’y
iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin. Linisin mo sana ang aking
karumihan at ipatawad mo yaring kasalanan.
Tugon: Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa ‘yoy
nagsisuway
Ang pagsalansang
ko ay kinikilala, laging nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang
tunay, at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan.
Tugon: Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa ‘yoy
nagsisuway
Isang pusong
tapat sa aki’y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong
harapan huwag akong alisin, ang Espiritu mo ang papaghariin.
Tugon: Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa ‘yoy
nagsisuway
Ang galak na
dulot ng ‘yong pagliligtas, ibalik at ako ay gawin mong tapat. Turuan mo akong
makapagsalita, at pupurihin kita sa gitna ng madla.
Tugon: Poon kami’y iyong kaawaan kaming sa ‘yoy
nagsisuway
IKALAWANG
PAGBASA
Pinakamabuting magagawa ng tao ay buong tiyagang maghintay sa
pagliligtas ng Panginoon.
Pagbasa mula sa
aklat ng mga Panaghoy (3:17-26)
Sa akin ay wala
ni bakas ng kalusugan, katiwasayan at kaligayahan. Kaya’t sinasabi ko, “Nawala
na ang aking lakas at ang aking pag-asa sa Panginoon.” Simpait ng apdo ang
alalahanin sa aking paghihirap at kabiguan, lagi ko itong naaalala, at ako’y
labis na napipighati. Gayunma’y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naaalala
ko ito: ang hindi magmamaliw na pag-ibig ng Panginoon, at ang kanyang walang
kupas na kahabagan. Hindi nagbabago tulad ng bukang liwayway. Dakila ang
kanyang katapatan. Ang Panginoon ay akin, sa kanya ako nagtitiwala. Ang Panginoon
ay mabuti sa mga nagtitiwala sa kanya, pinakamabuting magagawa ng tao ay buong
tiyagang maghintay sa pagliligtas ng Panginoon.
Ang Salita ng
Diyos
Lahat: Salamat sa Diyos
(Sandaling Katahimikan at pagninilay)
AWIT
UMASA KA SA DIYOS
Refrain:
Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y
gawin
At manahan kang ligtas sa
lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang
kaligayahan
At pangarap mo ay makakamtan.
Ang iyong sarili’y sa Diyos mo
ilagak,
'Pag nagtiwala ka’y tutulungang
ganap;
Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
Katulad ng araw kung tanghaling
tapat.
(Repeat Refrain)
Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka,
Maging matiyagang maghintay sa
kanya;
H’wag mong kaiingitan ang
gumiginhawa
Sa likong paraan, umunlad man
sila.
(Repeat Refrain)
At pangarap mo ay makakamtan.
MABUTING BALITA
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo (8:14-17)
Lahat: Papuri sa
iyo, Panginoon.
Noong panahong
iyon, pumunta si Hesus sa bahay ni Pedro at doo’y nakita niya ang biyenan nito,
nakahiga at inaapoy ng lagnat. Hinawakan ni Hesus ang kamay ng babae at nawala
ang lagnat nito. Pagkatapos, bumangon ito at naglingkod sa kanya.
Nang gabi ding
iyon, dinala kay Hesus ang maraming inaalihan ng mga demonyo. Sa isang salita
lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu, at pinagaling ang lahat ng
may karamdaman. Ginawa niya ito upang matupad ang sinabi ni Propeta Isaias,
“Kinuha niya ang ating mga kahinaan at binata ang ating mga karamdaman.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon
Lahat:
Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.
PAGNINILAY (Magbibigay ang pari ng pagninilay)
KATAHIMIKAN
AWIT
DIYOS AY PAG-IBIG
Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso at kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa
Sa ating puso at kaluluwa
Ang siyang nagdulot sa ating buhay
Ng gintong aral at pag-asa
Pag-ibig ang siyang buklod natin
Di mapapawi kailan pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang
Kahit na tayo’y magkawalay
Di mapapawi kailan pa man
Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang
Kahit na tayo’y magkawalay
Koro:
Pagka’t ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo, ay h’wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal
Pagka’t ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig
Magmahalan tayo’t magtulungan
At kung tayo’y bigo, ay h’wag limutin
Na may Diyos tayong nagmamahal
Sikapin sa ating pagsuyo
Ating ikalat sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop
Sa bawa’t pusong uhaw sa pagsuyo
Ating ikalat sa buong mundo
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop
Sa bawa’t pusong uhaw sa pagsuyo
(Koro)
PANGKALAHATANG PANALANGIN
Punong
tagapagdiwang:
Lumuhog tayo sa Ama sa kalangitan na pinili ang
kanyang Anak upang maging ating tagapagligtas. Puno ng pagtitiwala humiling
tayo ng lakas at gabay para sa ating lahat.
R.
Panginoon dinggin mo ang aming panalangin.
N.
Idinadalangin namin ang buong Simbahan lalo’t higit para sa mga namumuno dito,
ang Santo Papa, mga Obispo, mga pari at mga diyakono. Pagkalooban mo sila ng
pusong handang laging maglingkod para sa kapakanan ng lahat. Manalangin tayo sa
Panginoon.
R.
Panginoon dinggin mo ang aming panalangin.
N.
Idinadalangin namin ang mga umuugit sa ating pamahalaan. Pagkalooban nawa sila
ng Diyos ng kalakasan ng katawan at kalooban upang magawa nilang akayin ang
sambayanan ng Diyos tungo sa liwanag ng kaligtasan. Manalangin tayo sa
Panginoon.
R.
Panginoon dinggin mo ang aming panalangin.
N.
Idinadalangin namin ang mga dalubhasa at mga manggagamot upang sa biyaya ng
karunungan at kaalamang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos ay magtamasa nawa ang
lahat ng tao ng kalusugan at kaligtasan mula sa karamdamang pangkatawan at pang
kalooban. Manalangin tayo sa Panginoon.
R.
Panginoon dinggin mo ang aming panalangin.
N.
Idinadalangin namin ang sangkatauhan, ang ating bansa at pamayanan, iligtas
nawa tayo ng Diyos mula sa kapahamakang idinudulot ng sakit na covid-19.
Pagkalooban nawa ng pagkakaisa at pagmamahalan ang lahat upang magapi ang
nakamamatay na karamdamang ito. Manalangin tayo sa Panginoon.
R.
Panginoon dinggin mo ang aming panalangin.
N.
Idinadalangin namin ang mga taong may karamdaman at nagdurusa dahil sa Covid-19.
Pagkalooban nawa sila ng Diyos ng malalim na pagtitiwala sa kanya at ng
kagalingan mula sa kanilang karamdaman. Manalangin tayo sa Panginoon.
R.
Panginoon dinggin mo ang aming panalangin.
N.
Idinadalangin namin ang lahat ng pumanaw na dahil sa karamdamang Covid-19.
Pagkalooban nawa sila ng kapayapaan at pamamahingang walang hanggan kasama ang
lahat ng anghel at banal doon sa kalangitan. Manalangin tayo sa Panginoon.
R.
Panginoon dinggin mo ang aming panalangin.
Punong
tagapagdiwang:
Manalangin tayo ayon sa dasal na itinuro sa atin ng
Panginoong Hesukristo:
Ama namin,
sumasalangit ka.
Sambahin ang
ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob
mo dito sa lupa para lang sa langit.
Bigyan mo kami
ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo
kami sa aming mga sala
para nang
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo
kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami
sa lahat ng masama.
ORATIO IMPERATA
Makapangyarihan
at mapagmahal na Ama,
nagsusumamo
kami sa iyo
upang
hilingin ang iyong patnubay laban sa COVID 19
na
nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay.
Gabayan
mo ang mga dalubhasang naatasan
na
tumuklas ng mga lunas at paraan
upang
ihinto ang paglaganap nito.
Patnubayan
mo ang mga lumilingap sa maysakit
upang
ang kanilang pagkalinga
ay
malakipan ng husay at malasakit.
Itinataas
namin ang mga nagdurusa.
Makamtam
nawa nila ang mabuting kalusugan.
Lingapin
mo rin ang mga kumakalinga sa kanila.
Pagkamitin
mo ng kapayapaang walang hanggan
ang
mga pumanaw na.
Pagkalooban mo kami ng biyaya
na magtulong-tulong tungo sa ikabubuti ng lahat.
Pukawin sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan.
Nagsusumamo
kami na iyong ihinto na ang paglaganap ng virus
at
ipag-adya kami sa lahat ng mga takot.
Hinihiling
naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo
na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang
Diyos, magpasawalang hangan. Amen.
Dumudulog
kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos.
Pakinggan
mo ang aming mga kahilingan
sa
aming pangangailangan
at
ipagadya mo kami sa lahat ng kasamaan,
maluwalhati
at pinagpalang Birhen. Amen.
Mahal
na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin
mo kami.
San
Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San
Roque, ipanalangin mo kami.
San
Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San
Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
BENEDICTION
Iinsensuhan
ng punong tagapagdiwang ang sakramento at aawitin ang mga sumusunod.
Tantum ergo
sacramentum
Venermur cernui
Etr antiquum
documentum
Novo cedat ritui
:
Preastet fides
supplementum
Sensuum
defectui.
Genitori
genitoque
Laus et
jubilatio
Salus honor
virtus quoque
sit et benediction
procedenti
abutroque
Comparsit
Laudatio. Amen.
Punong tagapagdiwang:
Panem de coelo
praestitisti eis.
R. Omne delectametum in se habentem.
Tatayo
ang punong tagapagdiwang at darasalin ang sumusunod.
Oremus
Pause
for silent prayer.
Deus
qui nobis sub sacramento mirabili
passionis
tuae memoriam relequisti
tribue
quesumus,
ita
nos corporis et sanguinis tui sacra mysteria venerari
ut
redemptionis tuae fructum in nobis iugiter sentiamus.
Qui
vivis et regnas in saecula saeculorum.
R. Amen.
Benediction
+
PAGPUPURI
Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang santong ngalan.
Purihin si Hesukristo Diyos na totoo at tao namang
totoo.
Purihin ang ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang kabanal-banalang Puso.
Purihin ang kanyang kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa
Altar.
Purihin ang Espiritu Santo ang mang-aaliw.
Purihin ang dakilang ina ng Diyos si Maria
Santisima.
Purihin ang kalinis-linisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-akyat kay Maria
kaluluwa at katawan.
Purihin ang ngalan ni Maria birhen at ina.
Purihin si San Jose ang kanyang kalinis-linisang
esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at kanyang
mga Santo.
(Itatago
ng pari ang Banal na Sakramento habang inaawit ang “O Sacrament Most Holy”)
O Sacrament Most
Holy
O Sacrament
Divine
All praise and
all thanksgiving
Be every moment
thine
Be every moment
thine.
AWIT
SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
SALVE REGINA
Comments