Bishop Mylo ordains four new deacons for Pasig Diocese

WELCOME TO THE FAMILY.   Ordained Deacons last Jun 23, 2020  by Pasig Bishop Mylo Vergara (center) for the Diocese of Pasig were (L to R) Revs. John Albert Vargas Absalon, Julius Vego de Gracia, Flordelito Caones Dador Jr., and Joseph Doria Santos

June 23, 2020, Pasig City –  Nothing, not even the COVID-19 pandemic, can stand in the way of the Lord in choosing to ordain four young men to the Order of Deacons.  Revs. John Albert Vargas Absalon, Julius Vego de Gracia, Flordelito Caones Dador Jr., and Joseph Doria Santos were ordained deacons by Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara, D.D. at his residence Chapel at the Tahanan ng Mabuting Pastol, Sta. Clara de Montefalco compound, Pasig City.  

Celebrating his ninth Episcopal Anniversary as Bishop of Pasig, he mentioned that it is coincidental that on this ninth year, after the ordination of these four men, that he has ordained a total of nine men to Holy Orders.  

His threefold message for the new deacons dwells on service or paglilingkod which is the very definition of diaconia.

First, “paglilingkod sa altar”.  Quoting Numbers 3: 5-9, they are to assist in proclaiming God’s word and bring the Eucharist to all, especially to the sick.  “Paghandaan ninyong mabuti ang inyong ipapahayag sapagkat ito’y isang sagradong gawain na inaasahan ng Diyos at ng mga makikinig sa inyo … Bilang diakono, may responsibilidad din kayong magbigay ng Banal na Komunyon sa misa at magdala rin nito lalo na sa mga maysakit sa pamayanan. Sa inyong paglilingkod sa altar, napakasagrado ng inyong magiging gawain. Ito’y dahil si Jesus na Banal na Salita ng Diyos at si Jesus na Banal na Eukaristiya ang inyong ibabahagi sa Banal na Sambayanan ng Diyos,” the bishop said.

Second, “paglilingkod sa mga nangangailangan lalo na sa mga dukha.”  Quoting Acts 6: 1 – 11, the Bishop reminded the new deacons that they are appointed as gifts of God, filled with the Holy Spirit, in being immersed with the poor; to serve them is to serve Jesus in them. He said, “Bilang diakono, isang prioridad ng inyong paglilingkod ay ang paglalaan ng handog ng Diyos na kabutihan, katalinuhan at kapuspusan ng Espiritu Santo sa inyo. Sa pagbabad ninyo sa paglilingkod lalo na sa mga dukha, pakatandaan ninyo na ang paglilingkod sa kanila ay paglilingkod kay Jesus. Makikita ninyo si Jesus sa mga dukha.”

And third, “paglilingkod nang may buong pag-ibig.” Quoting John 15: 9 – 17, with Jesus reminding the apostles to remain in his love, the Bishop called the new deacons to offer their lives in service.  And if ever they become tired of serving, always put in their minds and hearts Jesus and his unconditional love and sacrifice for us and the whole world. “Maaaring matukso kayong hindi ibigay ang buong sarili sa paglilingkod. Kapag dumating ang mga pagkakataong iyon, ilagay sa isip at puso ang pag-ibig ni Jesus na pumili sa inyo at naging saksi ng walang kondisyong pag-ibig na naglingkod sa Ama at isinakripisyo ang kanyang buhay, katawan at dugo, para sa inyo, sa ating lahat, at sa buong sanlibutan,” assured the bishop.

Finally, the bishop reminded them that it was Jesus who elected them.  He may have guided them for three months, but it was Jesus who chose them. “Tandaan ninyo: si Jesus ang pumili sa inyo kaya siya lamang ang inyong makakapitan sa oras na kayo ay mapagod at manghina sa paglilingkod,” reminded the bishop.

The bishop also appealed to the faithful, especially those who were watching in social media, to pray for the ordained so they may be faithful in serving the Lord, others, and the poor, “Ang akin pong pakiusap ay ipanalangin ninyo ang mga oordinahan ngayon bilang mga diakono na buong pag-ibig na maging tapat sa paglilingkod sa Diyos at kapwa lalo na sa mga dukha.”

In their thanksgiving speeches, the newly-ordained deacons mentioned in a special way, their families and friends who supported them, their fellow seminarians, their seminaries and formators, the religious sisters, the Ministry of Social Communications, their home parishes and parishes they were assigned and the priests who guided them in the formation, and of course, Bishop Mylo.

Rev. Julius de Gracia reminded that this ordination is about Jesus, not them.  “’Hindi kayo ang pumili sa akin kundi Ako ang pumili sa inyo.’ Tungkol ito sa Diyos, at hindi niya ako pinabayaan,” conveyed in his message. /Fr. LJopson, RCDPOC

Below is the full homily of Bishop Mylo: 

PAGLILINGKOD NG BUONG PAG-IBIG SA ALTAR AT SA MGA DUKHA

Homiliya ni Obispo Mylo Hubert C. Vergara, Ordinasyon sa Pagka-diyakono, ika-23 ng Hunyo, 2020

Mga minamahal kong kapatid kay Kristo,

Maganda at mabiyayang araw po sa ating lahat!

Ngayon pong araw na ito ay ika-siyam na anibersaryo ng aking pakakatalaga bilang obispo ng diyosesis ng Pasig. Sadyang napakabilis ng panahon. Siyam na taon na po ninyo akong obispo. At sa loob ng siyam na taon, pagkatapos ng rito ng ordinasyon mamaya, siyam na rin ang naordenahan ko sa ating diyosesis. Yung unang lima na naordinahan kong pari ay sina: Fr. Michael Ortega, kura paroko ng San Guillermo, Buting. Fr. Edmond Reynaldo, kura paroko ng St. Michael, Hagonoy, Fr. Glenn Caabucayan, kura paroko ng St. Jude, Romeo Village, Fr. Robi Okol, katulong na kura paroko ng Sta. Rosa de Lima, Bagong Ilog at Fr. Felix Gutierrez, katulong na kura paroko ng Immaculate Conception Cathedral, Pasig City.

Kapag naordinahan na ang ating apat na seminarista ngayon na sina Julius, Jay, Joseph at John Albert, sila ang kukompleto para mabuong siyam ang naordinahan ko sa siyam na taon kong paglilingkod bilang pastol ng Diyosesis ng Pasig.

Kaya nga Julius, Jay, Joseph at John Albert ito ang petsa na napili ko sa araw ng inyong ordenasyon bilang mga diyakono. Naglalaro sa isip ko na bakit hindi bukas, kapistahan ni San Juan Bautista? Bakit hindi June 29, kapistahan nila San Pedro at San Pablo? Pero ano man sa mga nabanggit ko lahat iyon General Community Quarratine (GCQ) pa rin, kaya nga limitado lamang ang naririto.

Ano ba ang kahalagahan ng numerong siyam? Ano ba ang meron sa numero nueve? Sabi’y suwerte daw dahil sa larong lucky 9 ng baraha. Pero sa biblia, simbolo ito ng kaganapan o katapusan. 

Sa mga Hudyo, kung babasahin ninyo ang aklat ng Levitico 23:32 sa Matandang Tipan, nasasaad na sa lahat ng kapistahan nila, ang Yom Kippur o Day of Atonement ang pinakabanal na araw. Sinisimulan nila ito sa paglubog ng araw ng ika-siyam na araw ng ikapitong buwan sa kalendaryo ng Hebreo. Sa araw ng Yom Kippur ay buong araw na pag-aayuno (kaya walang kainan mamaya—joke lang!). 
Sa Bagong Tipan, si Jesus noong nakabayubay sa krus ay namatay nuong ika-siyam na oras o 9th hour na sa orasan natin ay ikatlo o alas Tres ng hapon. Sa sulat naman ni San Pablo sa mga taga-Galacia 5:22-23, siyam ang sinulat niyang mga bunga ng Espiritu Santo. Ito’y: katapatan, kahinahunan, kabutihan, kagalakan, kagandahang-loob, pagsasakripisyo, pag-ibig, kapayapaan, at pagtitimpi.
Julius, Jay, Joseph at John Albert, maituturing na humantong na kayo sa kaganapan at katapusan ng paghuhubog bilang mga seminarista. Sa misang ito ay tatanggapin ninyo ang handog ng Diyos na isang natatanging sakramento, ang banal na orden. Kayo ay magiging diyakono, sa salitang Griyego ay diakonia, na ang ibig sabihi’y “paglilingkod”. Kayo ay makakatuwang ng ating mga pari sa lupon ng mga orden na maglilingkod sa mga pamayanan ng mga parokya kung saan kayo ipahahayo. Anong uri ng paglilingkod ang inaasahan sa inyo?

Una, paglilingkod sa altar. 
Sa ating unang pagbasa mula sa aklat ng Mga Bilang 3:5-9, sinabi ng Panginoon kay Moises na humirang mula sa lipi ni Levi ng magiging katuwang ni Aaron sa pangangasiwa ng mga gamit sa Toldang Tipanan o lugar ng sambahan ng mga Israelita. Para sa atin, ang toldang tipanan ay ang ating mga Simbahan. Noong kayo ay naitalagang Lector at Acolyte, nangasiwa na kayo sa altar kasama ng pari sa pagbabasa sa Salita ng Diyos at paglilingkod habang iniaalay ng pari ang tinapay at alak na nagiging Katawan at Dugo ng ating Panginoong Jesukristo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristya. Bilang diakono, kayo’y bibigyan ng responsibilidad na ipahayag ang ebanghelyo at magbigay ng homiliya o pagninilay sa Salita ng Diyos. 

Paghandaan ninyong mabuti ang inyong ipapahayag sapagkat ito’y isang sagradong gawain na inaasahan ng Diyos at ng mga makikinig sa inyo (Sana’y hindi ako makatanggap ng reklamo na kapag nagsermon kayo ay hindi kayo maka-take off at maka-landing). 
Bilang diakono, may responsibilidad din kayong magbigay ng Banal na Komunyon sa misa at magdala rin nito lalo na sa mga maysakit sa pamayanan. Sa inyong paglilingkod sa altar, napakasagrado ng inyong magiging gawain. Ito’y dahil si Jesus na Banal na Salita ng Diyos at si Jesus na Banal na Eukaristiya ang inyong ibabahagi sa Banal na Sambayanan ng Diyos.

Ikalawa, paglilingkod sa mga nangangailangan lalo na sa mga dukha. 
Sa ating ikalawang pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostol 6:1-7, nangailangang humirang ang mga alagad ng mga katuwang sa paglilingkod dahil maraming napapabayaang nangangailangan sa kanilang pang araw-araw na ikabubuhay. 

Ito’y dala ng reklamo ng mga Helenistang balo na pakiramdam ay napapabayaan sila kumpara sa mga Hebreong balo (Kaya mag-ingat sa mga balo, makamandag ang mga balo!). Kaya nga humirang ang mga apostol ng pitong makakatulong nila. Pito ang pinili nilang mabubuti, matatalino at puspos ng Espiritu Santo. 

Bilang diakono, isang prioridad ng inyong paglilingkod ay ang paglalaan ng handog ng Diyos na kabutihan, katalinuhan at kapuspusan ng Espiritu Santo sa inyo. Sa pagbabad ninyo sa paglilingkod lalo na sa mga dukha, pakatandaan ninyo na ang paglilingkod sa kanila ay paglilingkod kay Jesus. Makikita ninyo si Jesus sa mga dukha.

At ikatlo, paglilingkod ng buong pag-ibig. 

Sa ating ebanghelyo ayon kay Juan 15:9-17, ito ang isa sa huling habilin ni Jesus sa kanyang mga alagad: ang manatili sa kanyang pag-ibig at bigyang kaganapan ito sa pag-aalay ng buhay ng buong pag-ibig sa pinaglilingkuran. Maraming pagkakataon na kayo’y mapapagod dahil sa dami ng gawain at hamon ng paglilingkod. Maaaring matukso kayong hindi ibigay ang buong sarili sa paglilingkod. Kapag dumating ang mga pagkakataong iyon, ilagay sa isip at puso ang pag-ibig ni Jesus na pumili sa inyo at naging saksi ng walang kondisyong pag-ibig na naglingkod sa Ama at isinakripisyo ang kanyang buhay, katawan at dugo, para sa inyo, sa ating lahat, at sa buong sanlibutan. Tama kayo ng narinig, si Jesus ang humirang sa inyo; hindi ako. Lampas tatlong buwan tayong magkakasama dito sa Tahanan ng Mabuting Pastol, tatlong buwan din ko kayong ginabayan at pinayuhan. Ang ilan sa inyo ay pinapayat ko pa. Tandaan ninyo: si Jesus ang pumili sa inyo kaya siya lamang ang inyong makakapitan sa oras na kayo ay mapagod at manghina sa paglilingkod.

Ito ang paglilingkod ng isang diakono: paglilingkod sa altar na si Jesus ang ipinahahayag at ibinabahagi, paglilingkod sa nangangailangan na nakikita si Jesus lalo na sa mga dukha, at paglilingkod ng buong pag-ibig, handang magsakripisyo katulad ni Jesus na nag-alay ng kanyang Katawan at Dugo para sa kaligtasan ng sanlibutan.

Para po sa inyo na mga nakikibahagi sa pagdiriwang na ito, ang akin pong pakiusap ay ipanalangin ninyo ang mga oordinahan ngayon bilang mga diakono na buong pag-ibig na maging tapat sa paglilingkod sa Diyos at kapwa lalo na sa mga dukha. 

Bilang pagtatapos, hindi ko alam kung nagkataon lang na ang pangalan o palayaw ninyong apat ay nagsisimula sa letrang “J”. Pero baka may mensahe ito sa inyo bilang lingkod na orden. Minamahal kong Julius, Jay, Joseph at John Albert, pangarap ko at hamon sa inyo na isang pangalan lamang ang maalala at makita sa inyong katauhan sa parokya na inyong paglilingkuran, ito din ay nagsisimula sa letrang “J”. Walang iba kundi si JESUS. Amen.

Comments