PASIG CITY, 5 March 2021 - Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara relayed his endorsement of Fr. Lito Jopson's Music Album titled "Kaloob 3: Sumainyo ang Kapayapaan Ko".
The letter was released by the Chancery of the Diocese of Pasig.
Bishop Mylo described the album as "unique" and the fruit of Fr. Lito's "deep appreciation for music and his steadfast service as a priest."
He also endorsed two songs: "Kaluluwa ni Kristo (Anima Christi, the Prayer of St. Ignatius of Loyola)" and the banner song "Sumainyo ang Kapayapaan ko (Jn 20, 21)".
The music album contains mass and reflection songs for the Lenten and Easter Season.
To date, the album is already available on 36 music portals, among them are Spotify, ITunes, and Amazon Music. The e-book will be released soon.
Here is the full text of Bishop Mylo's message:
Ang isang awit ay nilikha upang mapunan ang hindi kayang banggitin ng mga labi. Makikita sa Musicam Sacram Bilang 5: “Liturgical worship is given a more noble form when it is celebrated in song, with the ministers of each degree fulfilling their ministry and the people participating in it.”
Binabati ko si Fr. Lito Jopson sa kanyang album na may pamagat na Sumainyo ang Kapayapaan Ko. Ito ay mga awiting para sa Misa sa Panahon ng Kuwaresma at Muling Pagkabuhay. Natatangi ang mga awitin sa album na ito tulad ng Kaluluwa ni Kristo na nagsasaad na kaya tayong pabanalin ni Kristo at hinahamon tayo na ipaubaya ang ating kaluluwa sa Diyos upang tayo ay makapagpuri nang tuwiran. Gayundin, ang awiting Sumainyo ang Kapayapaan Ko ay nagpapakita ng kasiguruhan na sa kabila ng magulong mundo, may Diyos na nagbibigay kapayapaan upang maging wagas ang ating mga puso at buhay.
Ang mga awiting ito ni Fr. Lito ay bunga ng kanyang malalim na pagpapahalaga sa musika at ang kanyang matibay na paglilingkod bilang isang pari. Siya ay naniniwala na ang lahat na mayroon tayo ay kaloob ng Diyos; ipinagkaloob ng Diyos para gamitin sa ikabubuti ng kanyang bayan. Nawa ang mga awiting ito ay gamitin natin higit sa lahat dito sa ating Diyosesis ng Pasig upang lalong sumigla ang bayan ng Diyos at makapagbigay inspirasyon sa lahat.
Muli, ang aking pagbati.
Ad maiorem Dei gloriam!
LUBHANG KGG. MYLO HUBERT C. VERGARA, D.D., SThD
Obispo ng Pasig
Marso 3, 2021
Comments