Saturday, April 4, 2015

Easter Message 2015

Photo courtesy of Cloyd Villegas

Alleluia! The Lord is Risen!

Today the Church is radiant with joy and love. We are grateful to Lord for his love and mercy endures forever. However, the joy and glory of the resurrection will not be truly felt unless we have been with Christ on the cross to suffer and die with Him.  Where our Lord is there shall we His followers be. We still recall how Pope Francis, during his visit to our country, directed us to contemplate on the crucified Christ who shows the real meaning of suffering. Fulfillment comes when one denies himself so he could reach out to others and be a source of joy to them. We should be like Jesus, the grain of wheat which fell to the ground and died so that others may live and grow. This is what dying and rising with our Lord is all about.

Our Lord did not remain on the cross and is no longer in the tomb for He has risen in the heart of His Church to continue His work of healing and nourishing through the sacraments, and to be with us forever. This always gives us a feeling of consolation every time we die to sin and rise with our Lord to a life of grace. He was glorified that we may share in His glory in heaven and even while on earth.

It is up to us now to make His presence felt not just by words but more importantly by our good deeds. Many of our brothers and sisters are more interested in what they see than what they hear. Let us then make Jesus alive through our hands and feet whether at home, workplace or in people we come in contact most especially those He identifies Himself with. Now is the opportune time to manifest God's great concern for the less fortunate given this year has been dedicated to the poor. After all, Christ came to bring glad tidings to the poor. Pope Francis said: "If we take away the poor from the gospel, we can't understand the whole message of Christ." (Manila Cathedral, January 16, 2105)  More than our preaching about God who is love, what people need are food to fill their empty stomach, medicine to alleviate their pain, justice for those whose rights are trampled upon and our inspiring presence to bring joy and hope to the downtrodden. Indeed people seek for the living God who cares enough to protect them and provide for their everyday needs, mindful of His promise to be with His people until the end of time. To bring about a truly Church of and for the Poor, we need to have the merciful and compassionate heart of Jesus to welcome the least, the last, and the lost in our midst.

A Blessed Easter to all of you!


Most Rev. Mylo Hubert C. Vergara, DD, MA, SThD
Bishop of Pasig

April 5, 2015

Thursday, April 2, 2015

NANGANGAKO KA BA…TALAGA?

Homilya ni Bp. Mylo Hubert C. Vergara, Misa ng Krisma
Immaculate Conception Cathedral, Pasig City, ika-2 ng Abril 2015


Photo by: Cristy Evidente
        
         Katangi-tangi ang Misa ng Krisma sa taong ito para sa akin.  Ito’y dahil ngayong taong ito ay nataon ding pagdiriwang ko ng dalawampu’t limang taon ko bilang pari.  Simula po nang ako’y naordenahang pari, nakagawian ko, katulad ng ibang pari na ipagdiwang ang misa ng krisma kasama ang aming obispo.  Bago ako naging obispo, nagawa ko po ito ng labintatlong taon kasama si Jaime Cardinal Sin, ang nag-orden sa akin, sa Arkidiyosesis ng Maynila at dalawang taon, kasama si Bishop Honesto Ongtioco sa bagong tatag noon na Diyosesis ng Cubao kung saan ako napabilang nung hatiin ang Arkidiyosesis ng Maynila.

         Di ko maubos maisip na darating ang panahon na ako bilang pari na nagsasariwa ng mga pangako sa pagpapari nung araw ng ordinasyon tuwing misa ng krisma ay magiging obispo at siyang magiging saksi ng pagsasariwa ng mga pangako ng pari.  Bilang mga pari, isang dapat pagnilayan ay kung seryoso nga ba talaga kami sa aming mga pangako.  Napansin ko kasi pati sa aking sarili na kahit taon-taon akong mangako sa Diyos, sa obispo at sa harap ng sambayanan, di ko naman talaga lubusang natutupad ang aking pangako.  May kasabihan nga: “Marami tayong pangakong napapako sa wala at di nagagawa.” Balikan natin at lagumin sa dalawa ang mga tanong na sasagutin ng mga pari pagkatapos ng homiliyang ito.

Yung una, itatanong ko: “Ipinangangako mo bang matalik na makikiisa kay Kristo, maging katulad niya, kusang-loob na tatalikod sa pansariling kaluwagan at mamamalaging laan para sa paghahatid ng kanyang kapayapaan at pag-ibig sa kapwa?” Mabigat na tanong.  Sa totoo lang, naisip ko sa aking sarili. May mga pagkakataon na hindi nasasalamin sa buhay naming mga pari si Hesus.  May mga pagkakataon ding mas pinipili pa naming ang mas maluwag at komportable, yung madali at walang sakripisyo, yung pabor sa amin at kumbinyente.  At may mga pagkakataon na imbis na tagpaghatid kami ng kapayapaan at pag-ibig sa kapwa, kami’y kinatatakutan, kinaiinisan at iniiwasan.

At yung ikalawang tanong: “Ipinangangako mo bang matapat na ipapahayag ang misteryo ng pananampalataya, panguluhan ng taimtim ang mga sakramento, lalu na ang Banal na Eukaristiya, tularan si Hesus na Mabuting Pastol na nagtuturo ng daan ng pananampalataya, naglilingkod sa kapwa ng walang hangad gamitin ito sa pansariling kapakanan?”  Mabigat uli yung tanong kasi naisip ko rin.  May mga pagkakataon na hindi namin napaghahandaang mabuti ang aming homiliya kaya di maliwanag na naipapahayag ang pangaral ng Salita ng Diyos.  May mga pagkakataon ding di namin solemnong napangunguluhan ang mga sakramento ng simbahan; minsan di taimtim ang pagdiriwang namin ng misa, bihirang magpakumpisal at kinatatamaran pang bisitahin ang mga matatanda ng pamayanan at pahiran ng langis ang mga maysakit at nag-aagaw-buhay.  May mga pagkakataon na hindi kami naging mabuting pastol, matamlay na naglilingkod sa komunidad lalu na sa mga dukha at nangagailangan ng tulong.  Tunay na kulang pa rin kami sa pagiging bukas-palad at pag-aalay ng sarili sa aming pagkapari.

         Buong pakumbabang inaamin naming mga pari na marami kaming pagkukulang.  Minsan kapag iniisip ko ang aming kakulangan, kahinaan at maraming kasalanan bilang pari, ako’y pinanghihinaan ng loob.  Pero ano ang pinanghuhugutan ko ng lakas?  Sa bandang huli ng pagsasariwa ng mga pangako naming sa pagpapari, sinasabi ng obispo sa inyo, mga mananampalataya, aming mga laikong lider-lingkod, kayo ang aming mga parokyano: “Ipagdasal ninyo ang mga pari kay Kristo na palakasin niya ang loob namin upang mapangatawanan namin ang aming pananagutan ng buong pag-ibig at katapatan, at upang maakay kami sa masaganang batis ng kaligtasan.”  Ibig sabihin po nito, kayo ang aming tagadasal, tagapamagitan din kay Kristo, samakatuwid ang aming mga “prayer warriors”.  Sa totoo lang, bukod sa Diyos, kayo rin po ang pinanghuhugutan namin ng lakas ng loob upang magpatuloy sa aming paglilingkod.  Tulungan niyo po kaming maging mabuti at banal na pari.

         Sabi ko kanina, katangi-tangi ang misang ito ng krisma para sa akin dahil ikadalawampu’t limang anibersaryo ko bilang pari. Ito ang pinilakang taong ko bilang ordeng lingkod ni Hesus.  May nagsabi nga sa akin: “Bishop, pilak ka na!” Alam niyo ba kung paano ginagawa ang pilak, paano ito nagiging purong pilak, iba sa ginto o tanso?  Sabi nila ang metal o bakal ng pilak ay niluluto sa nagbabagang apoy. At dapat yung panday ng pilak ay matiyagang binabantayan ang nalulusaw na metal ng pilak hanggang maabot nito ang pagiging puro o pino.  Mayroon daw eksaktong sandali o panahon para masegurong narating nito ang kapuruhan o kapinuhan. Paano? Kapag tinignan nung panday ang lusaw na pilak at nakita niya ang kanyang mukha ng malinaw na para bagang nakaharap siya sa salamin.  Ito ang indikasyon na narating na ng pilak ang pagiging puro at pino. 


         Naisip ko tuloy. Sa pinilakang taon ko bilang pari, dapat ang nakikita sa akin ay mukha ni Hesus na pinanggalingan ng aking bokasyon, pumili sa akin para maging pari, at pinagdadaluyan ng aking paglilingkod.  Malayo pa po ako dun.  Katulad din ng mga paring naririto ngayon, malayo pa rin po sila dun.  Kahit siguro kami’y mamatay na, iburol at mailibing, parang di pa rin namin masasalamin si Hesus ang ganap na pari magpakailanman.  Dasal ko, at marahil dasal din ng lahat ng pari, na dumating ang panahon, kahit, anino lamang, ay masilayan ninyo si Kristo sa amin.  At kapag dumating ang oras na yon, baka tanda na ito na sineryoso namin at natupad ang ilang pangako namin sa pagpapari. At tunay na masasabi namin, katulad ni Hesus: “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat hinirang niya ako at upang ipangaral sa dukha ang Mabuting Balita.  Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya, at sa bulag, na sila’y makakikita; upang bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil, at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.” Amen.

Sunday, March 22, 2015

SALAMAT SA DIYOS, PARI PA RIN KAMI!


Homilya ni Bp. Mylo Hubert C. Vergara, Pagdiriwang ng Diyosesis ng Pasig
Para sa ika-25 Taong Anibersaryo ng Pagiging Pari,
Immaculate Conception Cathedral, Pasig City, ika-21Marso 2015

Dalawampu’t limang taon na po akong pari at sampung taong obispo.  Ang bilis po ng panahon.  Naalala ko pa nung kami nina Msgr. Clem, Frs. Sel, Cesar, Joven, Henry, at Odon ay natulog sa bahay ni Cardinal Sin sa Villa San Miguel nung gabi bago kami ordenahang pari 25 years ago.  Di ko nga maintindihan kung bakit kailangan pang dun mag-overnight. Baka sinisiguro lang ni Cardinal Sin na walang mangyayari sa aming masama bago ordenahan, parang proteksyon sa ikakasal na.  Nung gabing yun, nagsalita si Cardinal Sin sa aming pito pagkatapos maghapunan para ihanda kami sa susunod na araw para sa ordinasyon.  Di ko makalilimutan yun sinabi niya: “Like the Blessed Virgin Mary, tomorrow, you will conceive Jesus Christ.”  Yun sinabi niya ay patungkol sa pagdiriwang ng Solemn Feast of the Annuciation na nataong naganap nung March 24 at araw ng Sabado. Kasi ang March 25 (yun talagang piyesta) nung taong yon ay Linggo kaya iniurong sa liturgical calendar ng March 24 ang kapistahan ng Annuciation.  Parang sabi ni Cardinal Sin, ipaglilihi at ipagbubuntis naming si Hesus. At pagkatapos, naisip ko at napangiti ako sa aking sarili: “Iluluwal namin siya, di ko alam nun kung pagkatapos ng siyam na buwan?”  Pero alam ko, pagkatapos ng isa o dalawang taon, naglakihan na ang mga tiyan ng ilan sa amin (lalo na po ako) sa sobrang pagkain bilang mga batang pari.

Nung umaga, pinagising kami ni Cardinal Sin ng alas kuwatro ng umaga para sabayan siyang magdasal. Masyadong maaga ang gising namin noon, parang Misa de Gallo.  Pinilit kong maagang gumising at pumunta sa private chapel ni Cardinal Sin at baka mapaglitan kung ma-late.  Eh laking gulat ko nung nakita ko si Cardinal na mas maaga pang nandun at nagrorosaryo. Yun iba sa amin eh nahuli pang dumating sa chapel.  Pero sabay sabay pa rin kaming nagdasal ng Liturgy of the Hours o Panalangin ng Kristyano.  Nag-almusal kami pagkatapos, kasama pa rin si Cardinal Sin, at naghanda nang magbiyahe sa isang sasakyan patungo sa Manila Cathedral para ordenahang pari.  Nagsimula ang misa at ordinasyon ng alas nuwebe ng umaga at natapos ng halos alas dose ng tanghali.  Mahaba ang naging rito kasi pito kaming inordenahan nun.  Parang dumaan lang ang tatlong oras at di namin namalayan—mga pari na kami!   

Fast forward tayo.  Twenty-five years na, pari pa rin po kami at naglilingkod sa Diyos at Simbahan.  Binabalikan ko sa aking panalangin at pagninilay yung: sampung taong naging tagahubog ako ng seminarista sa Holy Apostles Senior Seminary kasama na rin dito yun pagiging chaplain ng Chapel of the Eucharistic Lord sa SM Megamal at Sto. Nino de Paz Chapel sa Greenbelt, Makati, dalawang taong parish priest ng Sta. Rita de Cascia sa Philam Homes, QC, dalawang taong parish priest ng Holy Sacrifice Parish sa UP, anim na taong obispo ng Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija at halos apat na taon ng obispo niyo dito sa Pasig.  Katulad siguro ng mga batchmates kong nagdiriwang ng silver anniversray ngayon, isa lamang ang sinasambit ng puso ko: pasasalamat!  Salamat sa Diyos at pari pa rin ako at pari pa rin kaming lahat ngayon.

Ito naman po ang diwa ng misa natin noon, ngayon, at sa hinaharap: walang hanggang pasasalamat sa Diyos at di po niya kami pinabayaan sa buhay pagpapari at panalangin pa rin naming maging pari magpakailanman!  Hindi po naging madali ang 25 years. Maraming tukso laban sa mga sinumpaan namin katulad ng pangakong maging dukha at mamuhay ng simple, manatiling malinis ang puso at di mag-asawa, maging masunurin sa obispo at sa kalooban ng Diyos. Minsan nga may pabirong nagtanong sa akin kung ano ang mga tuksong hinarap ko bilang pari.  Gusto ko sanang sagutin ng ‘secret’ pero nasabi ko na lang ng pangiti-- ‘lahat’.  Tao lang po kaming katulad ninyong lahat, marupok at nagkakasala.  Marami din pong mga pagsubok sa ministro: yung kahit pagod o bagot ka na ay kailangan mo pang ngumiti at maglingkod, yung hirap pagbigyan ang lahat ng nakikiusap sa iyo na mag-misa o mag-talk, at yung nahusgahan ka na ng kapwa pari mo o mga lider-laiko kahit wala ka namang ginagawang mali at marami pang iba.  Kasama ito sa buhay ng kahit sinong pari. Pero sa gitna ng lahat ng ito, nandiyan pa rin ang Diyos at binibigyan kami ng lakas ng loob para magpatuloy sa aming paglilingkod.  Pari pa rin ako. Pari pa rin kaming naglilingkod sa Diyos.  Salamat sa Diyos.

Isa lamang siguro ang patuloy na mensahe sa akin ng Panginoong Hesus ngayong naabot ko na ang dalawanpu’t limang taon ng pagiging pari.  At ito’y napapaloob sa tanong niya sa akin noong ako’y tumugon sa pagpapari nung pumasok sa seminaryo, naordinanhang pari at pati na rin sa pagka-obispo.  Ito yung tanong niya kay Simon Pedro sa ebanghelyo: “Mahal mo ba ako?”  Mabigat yun tanong sapagkat kahit paulit-ulit akong sumagot ng “Oo”, alam kong alam ni Hesus na di ko ito hustong napatutunayan dala nang aking mga kahinaan at kasalanan.  Marami pa rin akong dapat baguhin sa aking sarili para maging banal at mabuting pari.  Isang motibasyon na humihikayat sa aking maglingkod bilang pari ay ang utos at hamon ni Hesus, sa kabila ng aking karupukan, sinasabi pa rin niya sa akin: “Pakanin ko ang aking mga tupa.”  Alam ni Hesus na wala akong maipagyayabang sa kanya pagkatapos ng dalawampu’t limang taon.  Kilala niya ako mula ulo hanggang paa, lalu na ang laman ng isip at puso ko sa bawat sandali ng aking buhay.  Kaya nga buong pakumbaba na lang akong tumatalima sa kanyang kalooban.  At umaasang sa awa ng Diyos, ay magagawa ko ang lahat ng iutos niya sa akin.

Nung nakaraang Martes, may pumunta sa aking nag-aaral sa UP na nakiusap sa akin na mai-cast o maimolde yun aking isang kamay para i-exhibit sa “stations of the cross”.  Gagawin itong isang uri ng hand sculpture.  Masteral thesis daw niya sa “Fine Arts” na-imolde ang mga kamay ng ilang personalidad na naging parte ng kasaysayan ng “Parish of the Holy Sacrifice” sa UP sa bawat estasyon ng krus.  Kung naalala niyo, nasabi ko kanina na ako’y naging Parish Priest dun bago ako naging Obispo. Sabi niya sa akin na naimolde na niya yun kamay ni Fr. Henry Ferreras na kasalukuyang kura paroko.  Ang porma ng kamay ni Fr. Henry ay yung kamay ni Hesus nung Last Supper.  Yun kamay ko raw ang huling imomolde para sa huli at ikalabing-apat na estasyon.  Sabi niya dapat iporma ko daw na parang nagbebendisyong kamay sa larawan ni Hesus na muling nabuhay mula sa libingan.  Tinanong pa nga niya ako: “Paano po ba kayo nagbebendisyon kapag nagmimisa?”  Habang pinoporma ko yun aking kamay para imolde eh napag-isip isip ko na sa loob ng dalawampu’t limang taon, marami na rin pala akong nabedisyunang  tao.  Di ko na ito mabibilang.  Naisip ko pa: ginamit ni Hesus ang kamay ko para magbinyag, magkumpil, magpatawad, mag-orden ng pari, magbendisyon sa ikakasal, magpahid ng langis sa maysakit at, higit sa lahat, maging katawan at dugo niya ang tinapay at alak. Ginamit ni Hesus ang kamay ko para ibahagi ang pagpapala ng kanyang pag-ibig at kapayapaan sa maraming mananampalataya, sa inyo pong lahat. 


Hiling ko lang po at hiling din nina Msgr. Clem, Frs. Sel, Cesar, Joven, Henry, at Odon: patuloy niyo kaming ipanalangin na ang pagpapala ng Diyos ay aming maibahagi bilang mabuti at banal na pari magpakailanman.  Salamat po. Amen.

Sunday, March 1, 2015

Council of the Laity holds Ecology Conference

PASIG - The Council of the Laity, in coordination with the Diocesan Social Services and Development Ministry  (SSDM) will be sponsoring an Ecology Conference as part of the Year of the Poor Program.

This conference aims to provide lay leaders with the information regarding global warming and climate change as well as prevention and alleviation of its effects.  It also aims to help the parishes establish and activate their Disaster Risk Reduction and Response Management Groups (DRRRMG) through the help of the Diocesan SSDM, the lead ministry for the Year of the Poor, and the Ugnayan ng Barangay at Simbahan (UBAS).

This will be held on March 14, 2015 at the Aula Minor, PCC from 7 AM to 12:30 PM.  Each parish is invited to send fifteen delegates preferably comprising of the PPC Lay Coordinator, SSDM Coordinator, and other PPC Officers.

Oratio Imperata for Peace

To be prayed from March 1 to March 28, 2015 before the post communion prayer in every Mass.

Lord of Peace, we come to You in our need.
Create in us an awareness of the massive forces of violence and terrorism that threaten our world today.
Grant us a sense of urgency to activate the forces of goodness, of justice, of love and of peace in our communities.
Where there is armed conflict, let us stretch out our arms to our brothers and sisters.
Where there is abundance and luxury, let there be simple lifestyle and sharing.
Where there is poverty and misery, let there be dignified living and constant striving for just structures.
Where there is selfish ambition, let there be humble service.
Where there is injustice, let there be humble atonement.
Where there is despair, let there be hope in the Good News.
Where there are wounds of division, let there be unity and wholeness.
Where there are lies and deceit, let your Truth set us all of us free.
Where there are thoughts of vengeance, let there be healing and forgiveness.
Help us to be committed to the Gospel of peace.
In spite of our differences in faith traditions and ethnic roots, teach us Your spirit of mercy and compassion.
For it is only in loving imitation of you, Lord of Peace,
that we can discover the healing springs of life that will bring about new birth to our earth a new era of peace and a new harmony among all
Forever and ever. Amen.

Wednesday, February 18, 2015

MENSAHE NG OBISPO NG PASIG MYLO HUBERT VERGARA SA PAGBUBUKAS NG TAON NG MGA DUKHA SA DIYOSESIS NG PASIG

Enero 31, 2015

MAGLINGKOD SA MGA DUKHA

Pinakamamahal na mga kapatid kay Kristo,

Kapayapaan sa inyong lahat!

Katatapos pa lamang ng mabiyaya't mabungang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong nakaraang ika-15 hanggang ika-19 ng Enero.  Sigurado akong ramdam na ramdam pa natin ang mga naganap noong mga araw na iyon.  Sa iba’t ibang paraan, nakita, narinig, at naranasan natin ang pastoral na pagdalaw ng ating Santo Papa.  Marami tayong maikukwento katulad ng paghihintay natin sa daan upang masilayan lamang siya na nakasakay sa pope mobile at makunan ng litrato gamit ang celphone, camera, o computer tablet.  Yung iba naman, sari-sari ang karansanan nang dumalo sa misa sa Tacloban at Luneta na pinuspos ng halos walang tigil na ulan.  Marami siyang sinabing pangaral na tumimo sa ating isip at puso.  May mga ilan ngang nagsabi sa akin na kahit sa TV lang, naiiyak na habang nakikita si Pope Francis magmula sa kanyang pagdating sa ating bansa hanggang sa siya’y lumisan pabalik sa Roma. Masasabi nating naka-enkwentro natin nang personal ang Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ni Pope Francis.

Nakakatawag-pansin sa lahat ng kanyang pangaral ang mariin niyang sinabi na pastulan ang mga dukha.  Akmang-akma ito sa pagdiriwang natin ng “Year of the Poor” o “Taon ng mga Dukha”.  Iba’t iba ang mukha ng karukhaan: materyal, espiritual, at moral.  Para kay Pope Francis, mahalagang harapin ang ating karukhaan sa mata ng Diyos at mahalin ang mga dukha na pinag-uukulan ng kalinga ni Hesus.  Magagawa lamang natin ito kung tatalikdan ang mga tukso ng kamunduhan lalo na ang materialismo.  Nasabi nga niya sa aming mga Obispo, pari, madre at seminarista sa kanyang misa sa Manila Cathedral na dapat naming tularan walang iba kundi si Hesus, na piniling maging dukha at makipamuhay sa mga dukha na pinagpahayagan ng Mabuting Balita.  Idinagdag pa ng Santo Papa na kapag inalis ang mahirap sa bibliya ay hindi natin ito mauunawaan. (cf. Homiliya, ika-16 ng Enero 2015).

Dahil dito, nais kong samantalahin ang pagkakataong ito upang humingi ng tawad sa inyo kung ako na inyong pastol at pati na rin ang mga pari ng ating diyosesis ay hindi naging huwarang saksi ng simpleng pamumuhay at hindi nag-ukol ng maraming panahon sa patulong at pagkalinga sa mga dukha ng ating mga parokya.  Pakiusap ko na dagdagan pa ninyo ang panalangin para sa amin upang maisabuhay namin ang pangakong maging dukha na aming sinumpaan noong araw ng aming ordinasyon.  Sa inyong panalangin at pagpapaalala, nawa’y masalamin namin si Hesus na ayon kay San Pablo: “bagamat mayaman ay nagpakadukha upang yumaman kayo sa pamamagitan ng kanyang karukhaan.” (2 Cor 8. 9)  Sa ganitong paraan, lalo kaming taos-pusong makapaglilingkod sa mga dukha.

Ngayon ding taong ito ay itinakdang “International Year of Consecrated Life” na idineklara ni Pope Francis. Lubos tayong nagpapasalamat sa mga paring relihiyoso at madreng religiyosa na naglilingkod sa ating diyosesis.  Di kaila sa marami sa atin ang paglilingkod nila sa mga dukha ng ating mga pamayanan tulad ng mga “mentally handicapped children”, “abandoned children”, “prostitutes”, at mga maysakit na nagangailangan ng pagkalinga at pagtulong. ‘Yung iba sa mga madre at paring ito ay babad din sa pagbubuo ng munting pamayanan o Basic Ecclesial Communities o BECs sa lugar ng mahihirap at naglalaan ng panahon para sa pagbibigay ng katesismo at pagtulong sa ilang kabataan upang makapag-aral sa paaralan.

Sa Taong ito ng mga Dukha, nawa’y maging inspirasyon din natin si Kristel Mae Padasas na kinilala ni Pope Francis na “huwaran ng paglilingkod” sa kanyang kabataan.   Siya ay taga-Taguig at parokyano ng Sto. NiƱo Parish, Signal Village dito sa Diyosesis ng Pasig.  Kasama siya sa mga naghanda sa pagdalaw ng Santo Papa sa Tacloban.  Sa di inaasahang pangyayari, siya’y nabagsakan ng scaffolding at namatay , dala na rin siguro ng matinding hangin at ulan dala ng bagyong “Amang” noong nagmisa doon si Pope Francis.  Noong nabalitaan ito ng Santo Papa nang nakabalik na siya sa Maynila, agad niyang ipinatawag ang ama ni Kristel upang makiramay nang personal sa kanya.  Sa pagkakataong ito, nakilala ang kabutihan at kagandahang loob ni Kristel.  Naikwento ng kanyang ama na tinalikuran ng kanyang anak ang ambisyong magtrabaho sa isang malaking kumpanya at magpayaman pagkatapos ng kolehiyo.  Pinili niyang maging volunteer ng Catholic Relief Services na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Samar.  Naikwento din na sa halip na bumili ng cake o maghanda tuwing birthday, inilalaan niya ang kanyang pera para bumili ng mga notebook at ballpen para magamit ng mga dukhang bata sa eskwela.  Tunay ngang si Kristel ay huwarang inspirasyon para sa atin lahat.

Nawa’y tulad ni Maria, Ina ng mga Dukha na lubos na nagtiwala sa Diyos, maisakatuparan natin ang ipinahayag at isinabuhay ni Hesus mula kay properta Isaias na hamon din sa atin:  “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon, sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral ang Mabuting Balita.  Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila’y lalaya, at sa mga bulag na sila’y makakakita; upang bigyang –kaluwagan ang mga sinisiil, at ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon. “ (Lucas 4: 18 – 19)

Nagmamahal,

+Lubhang Kagalang-galang Mylo Hubert C. Vergara, DD

Obispo ng Pasig

Pastoral Letter of Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara for Ash Wednesday, February 18, 2015